Kanina ako'y naupo sa paminggalan dito sa opisina at nakinig sa iba't ibang istorya ng buhay.
Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan at ang mga taong nagpasaya nito.
Naalala ko, higit sa lahat, ang aking mga kaklase/kabarkadang ubod ng kulit at galing. Ang tawag sa aming grupo ay "7 stars". Sino ba naman ang makakalimot sa mga 'yon? Parang kelan lang na merong pitong bata na pinagtagpo-tagpo sa primera klaseng mababang paaralan ng aming syudad.
Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan at ang mga taong nagpasaya nito.
Naalala ko, higit sa lahat, ang aking mga kaklase/kabarkadang ubod ng kulit at galing. Ang tawag sa aming grupo ay "7 stars". Sino ba naman ang makakalimot sa mga 'yon? Parang kelan lang na merong pitong bata na pinagtagpo-tagpo sa primera klaseng mababang paaralan ng aming syudad.
Noon, hindi ko naisip na malaki pala ang agwat ng isang taga-public school sa isang taga-private school. Siguro dahil masaya at kumpleto naman ang aking mga gamit sa eskwela at meron akong baon. Hindi ko kailangang manghingi ng papel o manghiram ng lapis sa katabi kasi nga madami akong ganoon. Pero napansin ko na mas maputi ang medyas ng mga taga-private school kesa sa public school. Ano ba yan? Medyas pa napansin ko. At syempre pa, mas makintab at hindi maputik ang sapatos ng mga taga-private. Siguro dahil na rin sa katotohanang marami sa public school ang galing sa mahihirap na lugar sa siyudad.
Naalala ko tuloy ang kwento ng Mama ko nung Grade 1 ako. Sa pagkakaalam ko, may labinlimang seksyon sa Grade 1. At isa ako sa mapalad na nakaakyat sa stage para tumanggap ng gold medal. Syempre sikat ka pag may gold medal noong araw. Kinabukasan, pagkagaling nila Mama at Papa sa palengke, sabi ng Mama ko, binati siya nung suki niya ng isda sa palengke. Ang galing pala ng anak mo, nakatanggap ng gold! [Wow! Sana pwedeng isanla 'no?] Nakita kasi nung tindera na umakyat si Papa sa stage para sabitan ako ng medal. Nagkataon din na ang anak niya pala ay isa din sa pinarangalan sa mataas na baitang naman.
Tuwing naalala ko yun, masaya ako. Hindi lang pala sa opisina napupuri ang Mama at Papa ko na may anak sila na honor student, kundi pati din pala sa palengke. Napagtanto ko na doon nagsimula ang salitang "pressure" sa aking buhay.
N.B. This series shall be called "Central Memories". I went to City Central School in elementary and I believe the place contributed a much bigger part of me and who I am today. Names of persons shall be withheld, if need be, so as not to cause undue embarrassment and injury to them.
No comments:
Post a Comment